vice president of happiness

archive

ask/tell

“Dada”

Dadating yung time may makikilala kang tao na hindi mo inaasahan na magiging parte ng buhay mo.

Dadating yung time na siya yung masasabihan mo ng lahat ng tungkol sa sayo.

Dadating yung time na siya ang magbibigay ng lakas ng loob sayo.

Dadating yung time na siya yung magiging dahilan kung bakit ka masaya,
kung bakit ka makakatulog ng naka-ngiti at kung bakit ka gumigising araw-araw ng naka-ngiti.

Dadating yung time na siya yung magiging dahilan kung bakit ka naeenganyo gumawa ng isang bagay para sa kanya.

Dadating yung time na siya yung magiging dahilan kung bakit araw-araw positibo lagi ang naiisip mo.

Dadating yung time na siya kasama na pala sa mga pinangarap mo.

Dadating yung time na siya yung magiging dahilan kung bakit ka ulit naniwala na love exist.

Dadating yung time na wala kang ibang bukam-bibig kundi pangalan niya,
kung anong kakayahan nya at kung ano pa yung kaya nyang gawin.

Dadating yung time na siya ang dahilan kung bakit ang bilis ng pintig ng puso mo.

Dadating yung time na para kang naiihi sa sobrang kilig kapag nakikita mo siya.

Dadating yung time na pinipilit mong itago ang sobrang saya na nararamdaman mo kapag kasama mo siya.

Dadating yung time na hindi ka lang basta naniwala na love exist, kundi umiibig ka na pala…

At dadating yung time na, “OO! Umiibig ka na nga!”.

Pero minsan yung hindi natin inaasahan na dumating at magiging parte ng buhay natin ay mawawala…

 yung nasasabihan ng lahat,
yung nagbibigay ng lakas ng loob,
yung dahilan ng sobrang kaligayahan,
yung nagbibigay sayo ng positibong araw,
yung taong pinangarap mo,

WALA NA…

Mawawala rin pala ng hindi natin inaasahan…

Ngayon kahit yung pangalan niya, parang hindi muna kayang bigkasin o marinig.

Dumating na yung time na yung taong naging dahilan ng magaganda at masasayang mga araw mo noon.
Siya ang dahilan kung bakit ka umiiyak, malungkot, hindi makatulog, hindi makakain at kung anu-ano na naman ang pumapasok sa  isip mo…

At parang ayaw mo na naman maniwala na Love Exist.

Pero paulit-ulit mang nasasaktan ang importante naranasan maging masaya, at malay mo sa susunod dadating na lang at hindi mawawala…

image


"habang nag-iinuman gagawing pulutan yung paglalaro ng Pinoy Henyo :D"


I just want to say’ “THANK YOU!”

KAIBIGAN, masarap talaga magkaroon nito.

Lalo na kung maraming tunay , tapat at totoong kaibigan.

Na kasama mo in good times at sa pang-gugood times.

Pero para sa akin mas masaya sila kasama in bad times.

Nandiyan yung malulungkot sila, mamumroblema, lalawak ang imahinasyon, maligalig at magiging masaya.

Malulungkot, kasi yung isa sa barkada may problema na naman.

Mamumroblema, kasi yung problema nung isa parang problema na rin nilang lahat.

Lalawak ang imahinasyon, kasi gagawa na sila ng kwento o kaya naman iko-compare nila yung buhay, pang-yayari o problema mo. Dun sa isa nilang kakilala o sa napanuod nila sa T.V at narinig nila sa radyo.
(ANG TATABA NG UTAK!)

Maligalig, kasi gagawin nilang lahat ang kalokohan at katatawanan, at kahit mag-mukha pa silang tanga… basta mapatawa ka lang nila kahit sa loob ng isang minuto.

ACHIEVEMENT NA YUN! Woohoo!!

Madadagdagan na naman ang buhay mo ng isa pang araw.

At syempre… magiging masaya rin sila.

Masaya, kasi may dahilan na naman kung bakit kailangan nyung magkita-kita ang barkada.

May dahilan na naman para mabuo ang tropa,
May dahilan na naman kung bakit tatambay sa park at magpu-foodtrip,
May dahilan na naman kung bakit may senti-songs na background,
May dahilan na naman kung bakit may ambagan para sa inuman at pulutan,
May dahilan na naman kung bakit may seryosong usapan na sa inuman lang talaga nagsisimula…

may dahilan na naman kung bakit may luhang tutulo mula sa mga mata.

At pagkatapos kanya-kanyang advises na , may seryoso, may kalokohan, may papatawanin ka lang kahit walang konek at may walang kwenta mag-advise.

May matutunan ka, maliliwanagan ang isip mo, makakahinga ka ng maluwag kasi nakapag-confess ka na at meron rin naman aasarin ka lang…

Ang saya kaya nila pag ganun ang eksena, hindi dahil down ka, hindi dahil sa may problema ka… kasi may isa na naman na kwento ang isasama sa history ng barkada.

Na babalik-balikan nila…

Kaya para sa akin masaya sila kasama in our bad times, kasi kahit alam mong busy sila maglalaan sila ng oras para samahan ka.

ISANG PASASALAMAT NAMAN DYAN!

THANK YOU!!!

ilalalalalbbyuuuu mga bhebss :)

image


Happy Birthday DADA!
:)alam ko masaya ka, at masaya ko para sayo!ingat ka sana palagi…

Happy Birthday DADA!

:)
alam ko masaya ka, at masaya ko para sayo!
ingat ka sana palagi…


"Nandito lang ako, hindi ako mawawala..
Hindi kita iiwan..
Maghihintay ako, hihintayin kita..
Kung ang consequence ay ang masaktan ulit, tatanggapin ko
makasama lang kita ulit..
Wag ka lang mawala,
wag mu lang ako iiwan ulit..
Mahal na mahal kita.."


"Hindi ba pwedeng pagbigyan ako ni Papa God na maging mahina ngayon…
Kasi yung taong nagbibigay ng lakas sa akin noon…
WALA NA…
:’("


matabangutak:

Hindi natin nakakalimutan ang isang tao. Nasasanay lang tayo na wala sila. Dahil ang taong nakakalimutan oras na makita mo eh hindi mo na talaga kilala. Maaring wala na yung nararamdaman natin sa kanila. Pero hindi mo makakalimutan ang isang tao. Palaging nandyan na yan. 
Once na naging parte na sila ng buhay natin. Maganda man o hindi ang ginawa nila sa atin. Patuloy na mag-iiwan ng onting bakas sa isip natin yan. Kunwari pumunta ka sa isang lugar na kasama mo siya dati. Sa oras na bumalik ka dun at wala na kayo. Malaki ang posibilidad na maalala mo siya. Automatic yan. Tipong maalala ka na hindi na nasasaktan. Tipong ngingiti ka na lang. Nalagpasan mo na lang yung problema eh. Kahit pa may kasama ka ng iba. Once na pumunta kayo sa lugar na yun, maiisip at maiisip mo pa rin yung taong unang nakasama mo dun.

matabangutak:

Hindi natin nakakalimutan ang isang tao. Nasasanay lang tayo na wala sila. Dahil ang taong nakakalimutan oras na makita mo eh hindi mo na talaga kilala. Maaring wala na yung nararamdaman natin sa kanila. Pero hindi mo makakalimutan ang isang tao. Palaging nandyan na yan. 

Once na naging parte na sila ng buhay natin. Maganda man o hindi ang ginawa nila sa atin. Patuloy na mag-iiwan ng onting bakas sa isip natin yan. Kunwari pumunta ka sa isang lugar na kasama mo siya dati. Sa oras na bumalik ka dun at wala na kayo. Malaki ang posibilidad na maalala mo siya. Automatic yan. Tipong maalala ka na hindi na nasasaktan. Tipong ngingiti ka na lang. Nalagpasan mo na lang yung problema eh. Kahit pa may kasama ka ng iba. Once na pumunta kayo sa lugar na yun, maiisip at maiisip mo pa rin yung taong unang nakasama mo dun.


220 notes | Reblog
4 months ago

happygoluckyboy:

Hindi ko alam kung bakit sa mga ganitong oras naiisip kita, kung bakit sobrang namimiss kita, kung bakit ba nahulog ng ganito ang loob ko sayo.
Basta, bigla ka na lang dumating sa buhay ko. At isang araw nagising na lang akong hinahanap-hanap kita, nagising ako ng nakangiti, nagising akong pakiramdam kong may kulang, may kulang kasi wala ka sa tabi ko.


26 notes | Reblog
4 months ago

"I really, really miss you ;(
pero anung dapat kong gawin para hindi na maramdaman to…"


Yung tinitignan mu nalang yung picture niya… Tapos dun mu nalang nasasabi mga sama ng loob at problema mu, kasi wala na siya para makinig…



1 2 3 4 5 »

theme by heartgrenade powered by tumblr